-- Advertisements --

Pinaghandaan na ng Land Transportation Office (LTO) ang pagdagsa ng mga pasahero na pauwi mula sa lalawigan sa pagtatapos ng Semana Santa.

Sinabi ni LTO chief Vigor Mendoza, na inatasan na nito ang lahat ng mga reigonal directors niya para manatiling maging alerto sa pagbabalik ng mga bakasyunista sa Metro Manila.

Nais nilang maging ligtas ang mga pagbabalik ng pasahero mula sa kanilang bakasyon.

Asahan din aniya ang pagbigat ng trapiko sa Metro Manila mula gabi ng Linggo hanggang umaga ng Lunes dahil sa pagbabalik ng mga nagbakasyon mula sa kanilang probinsiya.