-- Advertisements --

Tiniyak ng Land Transportation Office (LTO) na kanilang papabilisan na ang pagpapalabas ng nasa 92,000 na mga driver’s license cards.

Ang nasabing mga bilang kasi ay naipon matapos na nagkaroon ng aberya ang kanilang laser engraving machines.

Ayon kay LTO chief Jose Arturo Tugade, na may ilang LTO districts at extension offices ang may depektibong laser engraving machines.

Hinikayat nito ang mga mamamayan na magtungo na lamang sa kanilang opisina na mayroong makina na gumagana para makatipid ng oras at hindi masayang ang kanilang oras.

Noong Agosto kasi ay umabot sa mahigit 300,000 na mga driver’s license card ang hindi nairelease dahil sa pagkasira ng kanilang mga makina.

Naglabas din ang LTO ng mga listahan ng mga opisina kung saan na mayroong sirang mga makina na gumagawa ng kanilang drivers’ license.