Inihayag ng Land Transportation Office (LTO) na maaaring palawigin nito ang bisa ng lahat ng driver’s license na nag-expire mula Hunyo.
Ito ay dahil posibleng itong makadagdag sa alalahanin ng ahensya na mas magpapatagal sa pagdeliver ng mga plastic card ng driver’s license.
Sa kabila ng kakapusan sa mga plastic card na nagpilit sa ahensya na mag-isyu ng paper-based driver’s license mula noong Abril, naglabas ang Quezon City court noong nakaraang buwan ng temporary restraining order (TRO) laban sa paghahatid ng mga plastic license card dahil sa mga isyung ibinato ng isang natalong bidder.
Ayon kay LTO chairman Vigor Mendoza, aabisuhan nila ang MMDA at iba pang enforcers na ang lahat ng lisensya na nag-expire mula June 2023 ay awtomatikong extended pa ng isang taon o hanggang sa mailabas na ang mga driver’s license card.
Mag-iisyu ang LTO ng memo sa awtomatikong pagpapalawig ng mga lisensya, na hindi na kailangang tatakan pa ng mga awtoridad.
Ang DOTr noong Hunyo ay iginawad ang kontrata para sa mga plastic card sa Banner Plastic Card Inc.
Sa ngayon, binigyang diin ng LTO na pinag-aaralan na nitong palalawigin ang validity ng mga driver’s license na nag-expire mula noong June 2023.