-- Advertisements --
lto main 1547397488 1565935109

Nagpasaklolo ngayon ang Land Transportation Office sa Philippine National Police para tugunan ang isyu ng mga colorum na sasakyan sa bansa.

Sa gitna ito ng mga alalahanin ng ilang mga transport group hinggil sa mga colorum na mga public utility vehicles sa bansa.

Ayon kay LTO chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II, inirereklamo ng mga transport group sa kanilang tanggapan ay nawawalang 30% sa kanilang kita nang dahil sa ilegal na operasyon ng mga naglipanang colorum na public utility vehicle sa bansa.

Aniya, matagal na itong reklamo ng naturang mga grupo dahilan kung bakit magpapasaklolo na ang LTO sa PNP para sa dagdag pwersa sa pagsupil sa mga indibidwal na nasa likod ng ilegal na aktibidad na ito.

Kung maaalala, una nang binigyang-diin ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista ang kahalagahan ng pagpapatuloy ng reinforcement ukol dito upang tuluyan nang mahuli ang mga colorum operators sa bansa.

Kasabay nito ay ipinunto rin niya na ang pagpapanatili sa nagpapatuloy at matagumpay na anti-colorum campaign sa bansa ay mahalaga partikular na sa pagbibigay ng assistance sa mga transport groups na makarekober mula sa epekto ng ilegal na operasyon ng mga colorum operators.