Simula ngayong buwan ay maglalagay ang Land Transportation Office (LTO) ng fitting at installation areas para sa mga child car seats sa iba’t ibang distrcit offices.
Ayon kay LTO Director Clarence Guinto, kasalukuyang sumasailalim sa training ang ilang enforcers ng ahensya kung papaano ilalagay ang car seats ng mga bata bilang parte ng pagpapatupad sa Republic Act No. 11229 o Child Safety In Motor Vehicles Act.
Simula ngayong araw kasi ang implementasyon ng nasabing batas na layuning pangalagaan ang mga bata mula sa pagtilapon sa loob ng kotse sakali mang may mangyaring aksidente.
Kinakailangan ang car seat para sa mga batang may edad 12-anyos pababa, gayundin ang mga mas mababa pa sa 4’11 height.
Dagdag pa ni Guinto na maaari rin silang maglagay ng installation sites sa mga eskwelahan sa oras na payagan ang muling pagbubukas ng mga ito.
Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang ahensya sa Department of Trade and Industry (DTI) sa pagbibigay ng option sa mga may-ari ng four-wheel vehicles para tiyakin ang kaligtasan at kalidad ng bibilhing car seats.
Sa ngayon ay ina-accredit na ng DTI ang mga manufacturers at mga negosyo na handang makipagtulungan sa pagbebenta ng car seas.
Batay sa World Health Organization (WHO), kung maayos na nagagamit ang child car seats ay kaya nitong bawasan ang risk of death ng mga bata sa aksidente mula 70 porsyento hanggang 47 to 54 percent para sa mga batang isang-taong gulang hanggang apat na taong gulang.