Magagawa na ng Land Transportation Office (LTO) na makapag-imprenta ng isang milyong plaka ng mga sasakyan sa kada-buwan/
Ito ay dahil sa paglakas ng produksyon ng plaka sa mga pagawaan ng LTO kung saan walong makina ang tuloy-tuloy na gumagawa nito, sa mga planta ng LTO.
Ayon kay LTO Chief Asec Vigor Mendoza II, tuloy-tuloy din ang ginagawa nilang inspection sa mga planta na kanilang ginagamit, upang matiyak na walang magiging aberya sa kanilang operasyon.
Ayon kay Mendoza, dahil sa mas malaking production rate, maaaring matugunan na ang 80,000 backlog ng mga plaka, bago matapos ang buwan ng Nobiembre.
Kasunod nito, tiniyak ng Transportation official na magkakaroon na rin ng sapat na plaka para sa mga bagong bili na mga sasakyan sa buong bansa.
Nais aniya ng LTO na mabigyan ang lahat ng mga car owners, upang hindi na nila kailangang maghintay pa, lalo na ang mga may bagong sasakyan.
Magugunitang ang backlog sa plaka ng mga sasakyan ang isa sa mga hamon na una nang hinarap ng Iba pang LTO CHief, bago kay Mendoza II.
Ayon kay dating LTO Chief Jay Art Tugade, minana pa niya ang mga nasabing problema sa nakalipas na administrasyon.