-- Advertisements --

Dumipensa ang Land Transportation Office (LTO) sa patuloy na mga batikos na kanilang natatanggap hinggil sa implimentasyon ng seat booster o child seat law, na nagsimula kahapon.

Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante sa panayam ng Bombo Radyo, sila lang ang tagapagpatupad ng policy na binalangkas ng mga mambabatas.

Iginiit din nitong hindi layunin ng patakaran na mahirapan ang publiko, kundi mailayo sa aksidente ang mga batang sumasakay sa private vehicles.

Hindi rin daw nila ito ipipilit na ipatupad nang buo dahil pandemic pa at bawal pa rin namang lumabas ang mga bata.

Sa kasalukuyan, nagpasaklolo na rin sila sa media, para maipabatid ang detalye ng nasabing bagong policy at para magabayan ang mga may sasakyan ukol sa nasabing batas.