-- Advertisements --

Mas dinoble ngayon ng Land Transportation Office (LTO) ang kanilang kampanya laban a drunk driving sa panahon ng holiday season.

Ayon ksa LTO Law Enforcement Service (LTO-LES), na nakapagtala sila ng 546 na aksidente mula Enero hanggang Oktubre ngayong taon.

Ang nasabing bilang ay halos nasa walong beses na mas mataas sa 73 na bilang ng mga road accident mula Enero hanggang Disyembre 2021.

Sa nasabing bilang din ay 489 na mga drivers nila ay nagpositibo sa pag-inom ng nakakalasing na inumin kumpara sa 68 na bilang noong 2021.

Nakatalgang manghuli sa mga drunk drivers ay mga LTO enforcers, PNP at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Magsasagawa sila ng fiedl sobriety test at kapag ang driver ay nabigo ng kahit isa sa tatlong test ay doon na sila gagamit ng breath analyzer.

May limit lamang nito ng 0.05 percent ang nasa batas para magkaroon ng safe driving.

Kapag bumagsak sa alcohol breath test ay maikokonsidera bilang paglabag sa batas at ito ay may karampatang parusang multa at pagkakakulong.