DAVAO CITY – Ipapatupad simula ngayong araw, Hunyo 28 ang lockdown sa LTO-Digos District Office bilang paghahanda sa health precaution laban sa COVID-19 ng ahensiya.
May kaugnayan ito sa posibilidad na na-expose ang mga personahe sa nasabing opisina sa COVID-19 ito ay dahil sa close contact sa iba pang mga personahe sa nagpositibo sa nasabing virus.
Dahil dito, kailangan na isailalim muna sa RAT (Rapid Antigen Test)/RT-PCR (Swab Test) ang lahat ng mga personahe ito ay para malaman kung hindi nahawal ang mga ito.
Tiniyak naman ng ahensiya na ipagpatuloy nila ang kanilang operasyon kung mailabas na ang resulta ng RAT (Rapid Antigen Test)/RT-PCR (Swab Testing) sa lahat ng mga empleyado sa nasabing opisina.
Nilinaw ng LTO-Digos na ginagawa nila ang nasabing hakbang para lamang maprotektahan ang mga kliyente.