Pormal nang nag-assume bilang bagong AFP Vice Chief of Staff si Lt. Gen. Erickson Gloria, kapalit ni Vice Admiral Gaudencio Collado Jr., na nagretiro na sa military service kahapon November 21, 2020.
Pinangunahan ni AFP chief of staff Gen. Gilbert Gapay ang virtual teleconference sa kaniyang opisina habang ang seremonya ay isinagawa sa Tejeros hall, AFP Commissioned Officers Country.
Si Gloria ay miyembro ng PMA “Maringal” Class of 1988 at kasalukuyang commander ng Western Command (WESCOM) na nakabasi sa Palawan.
Bilang commander ng WESCOM, lahat ng approaches ng Provincial Task Force on Ending Local Communist Armed Conflict ay nagkaroon umano ng resulta lalo na sa neutralisasyon ng ilang key personalities at pagsuko ng mga communist terrorist group members, supporters at maging ng kanilang mga contacts.
Si Gloria ay kilalang tactical and rescue pilot, at humahawak ng command pilot rating sa Philippine Air Force (PAF).
Kumpiyansa naman si Gapay na magagampanan ni Gloria ang kaniyang trabaho bilang pangalawang pinakamataas na lider ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
“I give my trust and confidence to Lieutenant General Gloria in upholding the same exceptional standard of leadership and commitment to service. He is no stranger to the grit and grind of the AFP leadership being a former Deputy Chief of Staff, so I know we can count on him. He has my support,” pahayag pa ni Gen. Gapay.
Binigyang-diin naman ni Gapay na ang dynamism sa military profession ay mahalaga sa pagtupad sa kanilang misyon lalo na ngayong non-stop ang humanitarian assistance and relief operations ng AFP sa mga kababayan natin na lubhang apektado ng mga nagdaang kalamidad.
Samantala, pinuri naman ni Gapay si Collado sa kaniyang mga accomplishments and achievements bilang vice chief of staff.
Si Vice Admiral Collado ay miyembro ng Philippine Military Academy “Sinagtala” Class of 1986 at mistah ni AFP chief Gapay.