-- Advertisements --
Walang kapangyarihan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mangumpiska, mag-impound at magdispose ng mga colurom na mga sasakyan.
Sa inilabas na legal opinion ng Department of Justice na otorisado lamang ang LTFRB na makipag-ugnayan sa ibang mga ahensiya ng gobyerno sa pagkumpiska, pag-impound at pag-dispose ng mga sasakyan.
Ang nasabing legal opinion ay base na rin sa kahilingan ni dating Department of Tranportation Secretary Arthur Tugade.
Pinagbasehan ng DOJ ang Joint Administrative Order No. 2014-01 na tanging mga deputized ng Land Transportation Office at Philippine National Police ang maaaring makahuli at makapag-impound ng mga colorum na sasakyan.