Kumpiyansa ang LTFRB na hindi na aabot sa araw ng Martes o Miyerkules ang isinasagawang transport strike ng grupong PISTON.
Ito ay matapos na nagtakda ang LTFRB ng dayalogo sa nasabing transport group.
Sinabi ni LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III na nakipag-ugnayan na siya kay PISTON president Mody Floranda.
Idinagdag niya na ang pagpapalit ng mga tradisyunal na jeepney ay malayo pang mangyari.
Sinabi ni Guadiz na ang gobyerno ay naghanda ng 250 sasakyan upang matulungan ang mga commuters na maaaring ma-stranded sa protesta ngunit sinabi rin na hindi nababantayan ng LTFRB ang “shortage” ng mga jeepney at bus sa mga ruta ng transportasyon.
Aniya, umaasa siyang matatapos ang protesta ngayong araw din ng Lunes.
Matatandaang tutol ang ilang mga driver at operator sa programa ng gobyerno na palitan ang mga jeepney ng mga bagong sasakyan na nagkakahalaga ng hanggang P2.5 milyon at ang pangangailangan para sa kanila na bumuo ng mga korporasyon at kooperatiba upang makakuha ng mga bagong prangkisa sa kanilang franchise.