Tiniyak ng pamunuan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na makakapag pasada pa rin ang mga traditional jeepneys kapag natapos na ang April 30 deadline para sa franchise consolidation.
Ayon sa ahensya, kailangan lamang na sila ay nakapag consolidate na sa isang kooperatiba o korporasyon.
Ginawa ng LTFRB ang paglilinaw na ito sa pangunguna ni LTFRB Board Member Atty. Mercy Leynes sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng Kamara.
Sinisilip kasi ng kamara ang mga reklamo na mayroong anumalyang nagaganap sa pagpapatupad ng PUV Modernization Program.
Una nang nagbigay ang ahensya ng 27 buwan na palugit sa mga operator ng tradisyonal na jeep para tumalima at lumipat sa mandatory modern PUVs.
Kung maaalala, sinabi naman ni House Committee on Transportation Chair Romeo Aco na ang ganitong klase ng policy ay maituturing na “gentle coercion” sa mga driver at operator para sila ay mapilitang mag-consolidate.
Giit naman ni Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista, na ang pangunahing layunin lamang ng PUVMP ay makapagbigay ng pinakamagandang serbisyo para sa mga filipino commuters.