-- Advertisements --
Sinimulan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagmamahagi ng mga special permits sa mga buses ngayong Barangay at Sangguniang Kabataan election at sa Undas.
Ayon sa LTFRB na inaasahan nila ang pagdami ng mga pasahero na uuwi sa kanilang probinsiya at tiyak na magkukulang ang mga bus.
Bilang tugon sa nasabing pagdagsa ng mga pasahero ay pinayagan nila ang special permit para sa mga pampasaherong bus.
Pagtitiyak ng ahensiya na mag-iikot sila sa mga terminal para matiyak na maayos ang mga bus na bumabiyahe at may mga prankisa ang mga ito para hindi magkaroon ng anumang aberya.