-- Advertisements --
Patuloy ang pagbibigay babala ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga operators at drivers na labis kung maningil ng pamasahe at tumatanggi sa mga pasahero.
Ayon sa LTFRB na may karampatang kaparusahang kapag tumanggi sa pasahero , maningil ng sobra at ang pag-tampered ng metro ng taxi.
Sa first violatioan ay may multa ito ng P5,000 at ang ikalawang violation ay mayroong P10,000 at pag-impound ng sasakyan.
Kapag naulit pa ito ng ikatlong violation ay mayroong P15,000 na multa at kanselasyon na ng Certificate of Public Convenience.