Itinanggi ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na mayroong silang inaprubahan na pagtaas sa riding cap allocation sa mga motorcycle taxi.
Ayon pa sa LTFRB na mula pa noong 2020 ay hindi pa nila dinagdagan ang Motorcycle Taxi Pilot study participants.
Sa opisyal kasi ng pronouncement ng MC Taxi technical working grouop noon pang Pebrero 14, 2020 ay pinal na ang nasabing listahan ng mga motorcycle taxi na pinayagan.
Kinabibilangan ito ng 23,164 na Angkas, 15,000 sa Joyride at 6,836 miyembro lamang ng Move-it.
Reaksyon ito ng LTFRB sa naging pahayag ng isa sa mga kumpanya ng Motorcycle taxi na kanilang dinagdagan ng 15,000 ang alokasyon ng mga miyembro nila.
Maari lamang madagdagan aniya ang bilang ng mga miyembro ng MC Taxi kapag natapos na pilot study.