Inilatag ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 3 scenarios para sa ruta ng mga dyip sa oras na magpaso na ang itinakdang deadline para sa consolidation ng prangkisa ng PUVs sa Disyembre 31 ng kasalukuyang taon.
Ayon kay LTFRB technical division chief Joel Bolano, papayagang mag-operate ang mga jeepney operators hangang Enero 31 ng susunod na taon sa mga lugar lamang kung saan kakaunti ang nag-consolidate na mga unit para serbisyuhan ang publiko.
Dito, mabibigyan ng special permits ang mga hindi nag-consolidate na mga dyip.
Gayundin, papayagan ang mga dyip sa ruta na walang na-apply na tsuper t operators para consolidation hanggang sa katapusan ng Enero ng 2024 habng nakabinbin pa ang proseso ng pagtatalaga ng mga units mula sa ibang mga ruta.
Sinabi din ng opisyal na hindi na papayagan pang mag-operate o pagbabawalan ng mamasada pa sa mga kalsada ang mga dyip na hindi pa nakapag-consolidate sa mga ruta kung saan bumabaybay ang 60% ng units na sumama sa consolidation program ng gobyerno.
Samantala, ayon sa LTFRB tanging nasa 11,405 o 27% ng mga dyip sa NCR ang nag-apply para sa consolidation sa kalgitnaan ng Disyembre.