-- Advertisements --

Iniimbestigahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang labis na paninigil sa pamasahe ng mga bus consortium na bumabagtas sa EDSA Busway.

Sinabi ni LTFRB Chairperson, Atty. Teofilo Guadiz III, na kaniyang nakausap ang mga bus consortium at kanila nilang iniimbestigahan ang mga konductor na labis ang paninigil.

Ang nasabing pahayag ni Guadiz ay kasunod ng reklamo na natanggap niya na may ilang mga bus na bumabiyahe sa EDSA Busway ang labis ang paninigil.

Pinaalalahanan na rin ni LTFRB chair ang mga bus na mahigpit na sundin ang ipinapatupad na tamang singil sa mga pasahero.