Sinuspendi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairman Teofilo Guadiz dahil sa alegasyon ng kurapsyon.
Ayon sa Presidential Communications Office (PCO) na gumugulong na ang imbestigasyon sa nasabing akusasyon.
Pagtitiyak ng PCO na hindi kukunsintihin ng pangulo ang anumang nangyayaring pangungurakot.
Una rito ay isinawalat ng dating executive assistant nito na si Jefferey Tumbado ang pera na tinatanggap ni Guadiz para maaprubahan ang modifications ng ruta, prioritization ng prankisa at special permits.
Bawat transakyon aniya ay nagkakahalaga ng P5 milyon at ito ay binabayaran ng dalawang installments.
Hindi naman nito binanggit kung saan napupunta ang mga pera at isasawalat lamang niya ito kapag maghain ito ng promal na reklamo sa Office of the Ombudsman.
Dagdag pa nito na nagsimula ang nasabing negosyo nila noon pang Marso pero hindi nito binanggit ang eksakstong pagkakasangkot niya sa kaso.
Mayroon itong mga ebidensiya gaya ng mga screenshots at audio recording sakaling magkagipitan at kaya ito lumantad ay nais niyang itama ng mga maling gawain sa ahensiya.