-- Advertisements --

Nagpaliwanag ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) matapos sibakin ang lahat ng security officersnito kasabay ng pagbalasa sa mga cashier ng kanilang central office sa Quezon City.

Ayon kay LTFRB chairman Martin Delgra III, sanhi ito ng lumutang na alegasyong may fixer sa loob ng ahensya.

Bukod sa balasahan, nakasaad din sa inilabas na memorandum ng opisyal ang pagpapasailalim sa lifestyle check ng LTFRB regional directors.

Inatasan ni Delgra ang mga ito na magsumita ng kanilang tatement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) at iba pang dokumento.

“We will undertake all necessary measures to reassure the public of LTFRB’s commitment to transparent, accountable and corruption-free service to our stakeholders,” ani Delgra.

“‘Yan ang nais ni Pangulong Duterte. ‘Yan din ang mahigpit na utos ni Secretary Tugade. Wala po tayong palalampasin dito.”

Kamakailan nang madakip ng Presidential Anti-Corruption Commission at National Bureau of Investigation ang umano’y fixer sa loob ng LTFRB kasabay ng kanilang entrapment operation.