Hiniling na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pansamantalang suspendehin ang pagpapatupad ng No-Contact Apprehension Policy (NCAP) para sa public transport.
Kasunod na rin ng pagbubukas ng klase bukas.
Ayon sa DoTr at LTFRB, ginawa nila ang request para makapag-accomodate ang mas maraming public utility vehicles (PUV) ng mga pasahero.
Asahan na kasi ang pagbuhos ng mga pasahero bukas sa Metro Manila dahil sa unang araw ng in-person classes.
Ang DOTr ang nagpadala ng naturang sulat habang inilabas naman ng LTFRB ang dalawang memorandum circulars para payagan ang ang 33 buses, 68 jeeps at 32 UV Express routes.
Sa bahagi naman ng MMDA, siniguro nito sa DOTr na walang mahuhuling mga PUV sa pamamagitan ng NCAP dahil hindi pa raw sila nag-isyu ng certificates of public convenience (CPC) sa mga rutang magbubukas bukas.
Sinabi ng MMDA na mayroon daw special permits ang iiisyu sa PUVs habang hinihintay pa ang pinal na desisyon ng LTFRB na buksan ang CPC applications.
Hiniling naman ng LTFRB sa public transport drivers at operators na sundin ang mga polisiya sa kanilang mga prangkisa at provisional authorities.
Ang mga lalabag dito ay posibleng ma-revoke ang prangkisa o permit.