-- Advertisements --

Binigyang ng Department of Health (DOH) ang paliwanag nito hinggil sa ilang LSIs na nagpo-positibo sa COVID-19, sa kabila nang pagiging negatibo sa unang test.

“Kapag tayo ay nag-test, halimbawa magte-test ako ngayon (ng) RT-PCR, it’s a one time event. Ibig sabihin ‘pag tinest mo ko ngayon, nag-negative ako ngayon. Tapos, pagkatapos ko mag-negative uuwi na ko sa bahay ko, o ‘di kaya may pupuntahan akong essential, pumunta akong grocery, na-expose ako uli,” ni Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa opisyal, walang kasiguraduhan na mananatiling negatibo ang isang indibidwal, kung nagkaroon ito ng exposure sa ibang tao habang hinihintay ang resulta ng panibagong test.

“That’s what we are always explaining. So what happened to these LSIs, tinest sila dito sa Maynila, nag-quarantine na sila, they were cleared actually. And some of them were already swabbed five days prior (going home), tsaka lumabas ang resulta after five days na negative sila.”

Kinontra rin ng DOH spokesperson ang pahayag ng ilan na wala nang kredebilidad ang ginagawang testing ng ahensya.

“Kaya ayaw natin mag-mass testing kasi ganyan yung ating test. Kahit i-test yung buong populasyon ngayong araw na ‘to bukas subjected to exposures again lahat ng ‘yan, not unless everybody stays home and no exposure will happen. But that is not the case.”

Sa ilalim ng Memorandum No. 2020-02 ng National Task Force against COVID-19, may Sub-Task Group na minandatong mamahala sa proseso ng pagpapauwi sa mga LSI.

GUIDELINES SA PAGPAPAUWI NG LSIs

Nilinaw naman ng DOH na may sinusunod na guidelines ang pamahalaan kaugnay ng pagpapauwi sa mga locally stranded individuals (LSIs) dahil sa nagdaang lockdown.

Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, kabilang sa sinusundang panuntunan ng task force ang pagsasailalim ng isang LSI sa 14-day quarantine; pagtukoy kung suspect, probable, o confirmed COVID-19 case; at pagse-secure ng medical clearance mula sa mga uuwiang lugar.

May mga administratibong proseso rin daw na kailangan tupdin, tulad ng koordinasyon sa receiving local government unit (LGU) ng pinanggalingang LGU.

Pahayag ito ng DOH sa gitna ng mga lumulutang na ulat na maaari lang basta kunin sa mga barangay at munisipyo ang kaukulang clerance na kailangan ng LSIs.

“Mayroon tayong qualification criteria in order for LSI to be able to return to their home province or hometown.”

“Of course (dapat) na-coordinate din sa ibang agencies kasi may mga sasakyan yan, pakain, yung iba binibigyan ng stipen o pera for travel at pangkain. So lahat yan mayroon tayong protocol dyan.”