-- Advertisements --
Nadiskaril ang isang tren ng LRT-2 habang papasok sa Santolan Station.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) naganap ang insidente dakong alas-10:30 ng gabi nitong Setyembre 15.
Base sa imbestigasyon ng mga otoridad ay nawala sa riles ang unahang gulong ng tren at tumama naman sa kanto ng platform ang kaliwang harapang bahagi nito.
Dahil sa insidente ay naging limitado na lamang biyahe ng LRT-2.















