Nagsimula ng magtaas ang presyo ng mga liquified petroleum gas (LPG).

Simula 12:01 a.m. kanina ay ipinatupad na ang P2.90 per kilo na pagtaas sa mga LPG.

Ibig sabihin nito ay mayroong P31.90 ang itataas sa kada 11 kg. na tangke ng LPG.

Nagtaas din ang presyo ng mga Auto LPG ng P1.65 kada litro.