-- Advertisements --
Nagbabadya ang malakihang rollback sa presyo ng Liquefied petroleum gas (LPG) sa unang araw ng Marso.
Ayon sa LPG Marketers’ Association (LPGMA) na tinatayang maglalaro mula P2.00 hanggang P4.00 sa kada kilo o nasa P22.00 hanggang P44.00 sa kada 11 kgs. na tanke ng LPG.
Sa Pebrero pa isasapinal ng grupo kung magkano ang bawas-presyo na ipapatupad.
Sinasabing dahilan ng bawas presyo ng LPG ay ang banta ng coronavirus sa buong mundo.