-- Advertisements --

Lalo pang lumawak ang mga pag-ulang dala ng binabantayang low pressure area (LPA) na nananatili sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon sa Pagasa, huli itong namataan sa layong 700 km sa silangan ng General Santos City.

Inaasahang makakaranas ng ulan ang Zamboanga Peninsula, Central Visayas at Eastern Visayas.

Habang thunderstorm naman ang maghahatid ng ulan sa Caraga, Northern Mindanao at natitirang parte ng Visayas.

Sa ngayon, maliit pa ang tyansa nitong maging ganap na bagyo, ngunit hindi inaalis ng Pagasa ang naturang posibilidad.