-- Advertisements --
Lumaki ang posibilidad na maging bagyo ng low pressure area (LPA) na nasa silangan ng Luzon.
Ayon sa ulat ng Pagasa, posibleng maging tropical depression ito sa loob ng susunod na 48 oras.
Sakaling maging ganap na bagyo, tatawagin itong “Igme” na magiging pang-siyam na sama ng panahon para sa taong 2020.
Huling namataan ang LPA sa layong 120 km sa hilaga ng Daet, Camarines Norte.
Maliban sa naturang weather disturbance formation, maghahatid din ng ulan sa iba pang parte ng bansa ang hanging umiiral na hanging habagat.