-- Advertisements --

Pinaghahanda ng Pagasa ang mga residente ng Bicol at iba pang parte ng Luzon at Visayas dahil sa posibleng mga pag-ulan sa weekend.

Ayon kay Pagasa forecaster Ezra Bulquerin, palalakasin ng low pressure area (LPA) ang hanging habagat na magdadala ng ulan sa malaking parte ng ating bansa.

Huling namataan ang LPA sa layong 325 km hilagang silangan ng Virac, Catanduanes o 520 km sa silangan ng Infanta, Quezon.

Sa kasalukuyan, maliit pa ang tyansa nitong maging bagyo.

Malabo rin itong tumama nang direkta sa alinmang bahagi ng Luzon.