-- Advertisements --

Patuloy na maghahatid ng ulan at posibleng pagbaha sa mabababang lugar ang low pressure area (LPA) na nasa Mindanao.

Ayon sa ulat ng Pagasa, huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 645 km sa silangan ng General Santos City.

Base sa satellite data, makapal at malawak ang dalang ulap ng nasabing LPA.

Dahil dito, binabalaan ang mga residente ng Caraga at Davao regions sa Mindanao, pati na ang nasa malaking parte ng Visayas dahil sa posibleng pagbaha at landslide.