-- Advertisements --

Nagbabala ang Pagasa na maaari pang maulit ang mga pag-ulan sa malaking parte ng Mindanao dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).

Ayon sa weather bureau, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 360 km sa silangan timog silangan ng Davao City.

Makapal umano ang dala nitong kaulapan kaya maaaring ulanin maging ang mga karatig na lugar ng Davao region.

Maliban dito, nagdadala rin ng makulimlim na panahon sa Northern Luzon ang hanging habagat.