-- Advertisements --

Papalayo na sa landmass ng Luzon ang low pressure area (LPA) na unang namataan sa Bicol region, nitong mga nakalipas na araw.

Ayon kay Pagasa forecaster Samuel Duran, huling namataan ang LPA sa layong 50 km kanluran ng Iba, Zambales.

Sa kabila nito, asahan pa rin ang mga pag-ulan sa malaking parte ng bansa.

Paliwanag ng Pagasa, nakahatak ng habagat na nagdadala ng makapal na ulap ang nnamumuong sama ng panahon, bago pa man ito nakatawid sa Luzon.

Apektado rin ng “monsoon rains” ang Southern Luzon, Visayas at Mindanao.