-- Advertisements --
Inaalerto ng Pagasa ang mga residente ng Visayas at Mindanao dahil sa panibagong low pressure area (LPA) na papalapit sa ating bansa.
Ayon sa weather bureau, huli itong namataan sa layong 1,300 km sa silangan timog silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Bagama’t hindi ito inaasahang magiging malakas na bagyo, magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa ilang bahagi ng Pilipinas.
Nilinaw naman ng Pagasa na hindi pa dulot ng LPA ang naranasang buhos ng ulan sa ilang lugar kanina, kundi isolated rainfall lamang ito.
Easterlies at amihan naman ang umiiral sa Luzon at iba pang parte ng ating bansa.
















