-- Advertisements --
Aasahan pa rin ang mga biglaang buhos ng ulan ngayong araw sa malaking parte ng bansa dahil sa isolated thunderstorms.
Ito’y kahit humina na ang bagyong Ambo bilang low pressure area (LPA) na lamang.
Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng LPA sa layong 155 km sa hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Sa kasalukuyan, wala pang bagong sama ng panahong namataan sa paligid ng Pilipinas, na maaaring makaapekto sa mga darating na araw.