-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa na maaaring magdala ng ulan at baha sa ilang bahagi ng Visayas at Mindanao ngayong araw ang binabantayang low pressure area (PA).
Ayon sa weather bureau, huling namataan ang LPA sa layong 20 km hilagang silangan Zamboanga City, Zamboanga del Sur.
Nakapaloob umano ito sa intertropical convergence zone (ITCZ) na nakakaapekto sa Southern Mindanao.
Maliban dito, naghahatid naman ng mainit na hangin at ulan sa ibang bahagi ng bansa ang easterlies mula sa Pacific Ocean.