-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Naproklama na ng Butuan City Board of Canvassers ang buong line-up ng Team One Butuan matapos na muling nahakot sa pang-apat na beses, ang solidong pagkapanalo nitong eleksyon.

Ang kanilang pagkapanalo ay pinangungunahan ni Atty. Lawrence Lemuel Fortun bilang mayor na sinundan ng solong nagpahalal bilang bise mayor na si Rey Desiata.

Pasok naman sa magic 12 ang lahat ng nagpapapili bilang konsehal ng One Butuan sa pangunguna ni Atty. Glenn Carampatana, Ferdinand Nalcot, Atty. Rema Burdeos Carlo Sanchez, Victor Plaza, Atty. Dennis Bacala, Arturo Gado, Clint Dabalos, Dindo Udarbe, Ronaldo Montero, TG Salcedo, at Marlon Labis.

Ito na ang pang-apat na beses na hinakot ng naturang partido ang lahat ng lokal na posisyon nitong lungsod kungsaan mula sa 13-0 noon at ngayo’y 15-0 na.