-- Advertisements --
Lalo pang titindi ang ulan sa Southern Luzon, Visayas at Mindanao dahil patuloy na epekto ng isang low pressure area (LPA).
Namataan ito sa layong 65 km sa silangan timog silangan ng Masbate City, sa lalawigan ng Masbate.
Sa kasalukuyan, nakataas ang flood alert sa Bicol, Visayas at Caraga region.
Maliban dito, nagdadala din ng makapal na ulap ang dulo ng frontal system sa eastern section ng Southern Luzon.
Habang hanging amihan naman ang nagdadala ng malamig na hangin at ulan sa nalalabing parte ng Luzon.










