-- Advertisements --
Nagbabala ang Pagasa ng posibleng pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa isang low pressure area (LPA).
Ayon kay Pagasa weather specialist Aldczar Aurelio, namataan ang LPA sa layong 175 km sa silangan ng Davao City, Davao del Sur.
Sa pagtaya ng ahensya, lalakas pa ito sa mga susunod na araw.
Samantala, ang isa pang binabantayang namumuong sama ng panahon sa West Philippine Sea ay tuluyan nang nakalabas sa Philippine area of responsibility.