-- Advertisements --

Inaasahang lalakas pa ang low pressure area (LPA), ngayong patungo na ito sa West Philippine Sea.

Ayon sa Pagasa, huling namataan ang sentro ng namumuong sama ng panahon sa layong 75 km sa hilaga hilagang kanluran ng Coron, Palawan.

Nakakaapekto din sa iba pang parte ng Palawan ang hanging habagat na umaabot hanggang sa Visayas at Mindanao.

Samantala, asahan din ang mga pag-ulan sa malaking bahagi ng ating bansa dahil sa isolated thunderstorms.