Kumamada ng 33 points, 14 rebounds at anim na assists si Kyle Lowry,  para pangunahan ang Toronto Raptors sa kanilang 107-92 win kontra Los Angeles Lakers sa laro na isinagawa sa The Arena.

Tumipa ng 23 points si OG Anunoby, 15 points at siyeam na rebounds mula kay Pascal Siakam para sa Raptors.

Si Fred VanVleet naman ay nagtapos na may 13 points at 11 assists.

Samantala, si LeBron James ang siyang nanguna para sa Lakers bitbit ang kanyang 20 points at 10 boards.

Nag-ambag ng 16 points si Kyle Kuzma habang nakapagtala naman si Anthony Davis ng 14 points sa 2-of-7 shooting.

Nagdagdag ng 12 points si Dion Waiters, habang nagtapos na may 11 si Alex Caruso.