-- Advertisements --

Ngayon pa lang ay nag-abiso na ang Maynilad hinggil sa inaasahang mahina hanggang sa walang patak ng tubig na serbisyo sa kanilang mga customer sa mga susunod na araw.

Sa isang panayam sinabi ng Maynilad na ito’y dulot pa rin ng mababang water level sa Angat Dam na pinagkukunan nito ng tubig para sa distribusyon sa ilang bahagi ng Metro Manila at kalapit na lalawigan.

Sa ngayon ilang lugar sa Quezon City umano ang nakakaranas ng mahinang water pressure.

Batay sa datos, bumaba pa sa 164.49 meters above sea level ang tubig sa Angat Dam nitong Miyerkules.

Ito ay lubhang mababa mula sa operating level ng Dam na 180 meters above sea level.

Sa kabila nito, nilinaw ng Maynilad at Manila Water na maliit lang ang magiging epekto sa mga kustomer ng mahinang alokasyon ng tubig.

Mayroon din daw silang pagkukunan ng tubig para matiyak na hindi magtatagal ang kalbaryo ng mga maaapektuhang residente.