-- Advertisements --

Posibleng lumala pa ang mga pag-ulan at pagbaha sa ilang bahagi ng Mindanao dahil sa umiiral na low pressure area (LPA).

Huling namataan ang namumuong sama ng panahon sa layong 210 km sa katimugan ng Zamboanga City, Zamboanga del Sur.

Dahil dito, pinag-iingat ng Pagasa ang mga nasa low lying areas at mga nasa tabi ng ilog.

Samantala, tail-end ng cold front naman ang nakakaapekto sa Visayas.

Habang malamig naman sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa hanging amihan.