-- Advertisements --

Lumiliit na ang tyansa ng low pressure area (LPA) sa silangan ng Luzon na lumakas pa bilang mapaminsalang bagyo.

Ayon sa ulat ng Pagasa, ang maikling distansya ng LPA sa lupa at malamig na hanging amihan ay nagpapahina sa namumuong sama ng panahon.

Gayunman, hindi pa rin inaalis ng weather bureau ang posibilidad na makapag-ipon pa ito ng ibayong hangin sa mga susunod na oras.

Huling namataan ang LPA sa layong 375 km sa silangan ng Legazpi City, Albay.

Maliban dito, may tail-end din ng frontal system (shear line) ang nakakaapekto sa Southern Luzon.

Habang umiiral naman ang hanging amihan sa Northern at Central Luzon.