Reading Time: 1 minute

Hindi pinanghihinaan ng loob si Lourdes Virginia “Lovi” Poe ngayong long-distance-relationship o LDR sila ng kasalukuyang espesyal na lalaki sa kanyang buhay.

Ito’y matapos umuwi na si Lovi sa Pilipinas para ipagpatuloy ang showbiz career niya habang nasa Los Angeles naman ang English guy na nagngangalang Monty Blencowe.

“Nag-visit din naman siya (Monty) dito. I believe it’s possible. It’s something that I’ve seen some of my friends go through,” saad ni Poe.

Una rito, sa kumpirmasyon ng 30-year-old actress, ay na-meet nito si Monty na isang medical scientist sa pamamagitan ng kanilang “common friend.”

Hindi naman nito inamin kung boyfriend na niya si Monty, bagkus ay “special” daw ito.

Si Monty ang lalaki na nasa online posts ni Lovi na kasama niya sa pamamasyal sa ilang tourist spots sa ibang bansa.