Natagpuang patay kahapon, Sabado sa kaniyang bahay sa Lancaster, California ang dating child pop star na si Aaron Carter, 34-anyos na nakilala sa kaniyang breakout album “Aaron’s Party.”
Ayon sa tagapagsalita ng Los Angeles Country Sherriff’s Department, isang bangkay ang kanilang narekober bandang alas-11:00 ng umaga subalit hindi nila ito opisyal na kinilala.
Natagpuan umano si Aaron na wala ng buhay sa bathtub.
Si Aaron ay ang nakababatang kapatid ni Backstreet Boys’ Nick Carter, na naging tanyag din nuong 1997.
Nakilala siya sa kaniyang pop songs gaya ng “I Want Candy” at “Crush on You.”
Sa murang edad na siyam na taong gulang na released ang kaniyang unang album at naging sensation nuong taong 2000.
Kinumpirma ni Taylor Helgeson, representative ng Big Umbrella, isang entertainment management company, ang pagkamatay ni Carter subalit tumanggi kung ano ang sanhi ng pagkamatay ng singer, actor.