Pumanaw ang dating pangulo ng Kenya na si Daniel Arap Moi sa edad 95.

Mismong si Kenya President Uhuru Kenyatta ang nag-anunsiyo sa pagpanaw ng tinaguriang pinakamatagal na namuno sa nasabing bansa.

Umabot kasi sa 24 na naupo bilang pangulo si Moi.

Mula pa noong Oktubre ay na-ospital na ito dahil sa hirap na paghinga.

Ipinanganak noong Setyembre 2, 1924 sa Baringo County at naging ikalawang pangulo matapos ang pagiging independent na ang Kenya at namuno mula 1978 hanggang 2002.

-- Advertisement --

Pinalitan nito si Jomo Kenyatta na pumanaw noong 1978.