-- Advertisements --
mmff1

Nagtala ng kasaysayan ang Taguig City nang maganap ang pinakamahabang Parade of Stars sa lungsod upang buksan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong taon.

Siniguro rin ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang suporta sa industriya ng Philippine cinema sa pag-host ng syudad sa unang pagkakataon sa MMFF.

“Ang lungsod ng Taguig ay buong pusong sumusuporta sa local arts and culture at sa pag-promote ng Filipino films,” saad ni Mayor Lino Cayetano sa panimula ng parada na dinaluhan ng mga sikat na personalidad sa mundo ng showbiz at ng mga fans sa Taguig Lakeshore Park nitong nakaraang Linggo, Dec. 22, 2019.

mmff4

“Sa aming mga opisyales kasama na si Vice Mayor Ading Cruz, kami sa lungsod ng Taguig ay buong pusong sumusuporta sa pagtaguyod ng pelikulang Pilipino at para na rin i-promote ang pagpapalaganap ng culture and arts sa syudad,” dagdag pa ni Mayor Lino na kilala ring direktor at producer.

Kasama ni Mayor Cayetano at Vice Mayor Cruz sa entablado si House Speaker Alan Peter Cayetano, Rep. Lani Cayetano ng 2nd District ng Taguig at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Danilo Lim.

Mula Taguig Lakeshore Park, ang parada ay dumaloy sa M.L. Quezon Avenue, MRT Avenue at C5 Road. Pumasok ito sa McKinley Hill township sa Upper McKinley Road bago dumaan sa McKinley Parkway, 32nd Street, 7th Avenue, 28th Avenue, 5th Avenue, at sa Lawton Avenue, LeGrand Avenue at Chateau Road. Ang kabuuang parada ay nagtapos sa McKinley West Open Ground.

mmff6

Ayon sa MMDA, na kasama sa mga nag-organisa ng taunang kaganapang ito, ang maayos na ruta ay nagbigay daan upang ang parada ngayong taon ay maging pinakamahaba sa kasaysayan ng MMFF.

“Mahalaga ang pag-usbong ng suporta para sa Philippine cinema,” sabi pa ni Mayor Lino. “Taguig believes that in supporting culture, arts and Philippine cinema, we will have a wider and more comprehensive understanding of the issues and many other things. These will help us in our goal of unity.”

Nagsimula ang kumpetisyon noong 1975, na una pang tinawag na Metropolitan Film Festival.

Ang mga kalahok ngayong taon ay magpapaligsahan sa iba’t-ibang award na igagawad sa Gabi ng Parangal sa Dec. 27. Ilan sa mga pangunahing award ay Best Picture.

Ang mga pelikula ay ipalalabas sa mga sinehan mula Christmas Day hanggang Jan. 27.

“Atin namg nakita ang mga nakalinyang pelikula para sa 2019 MMFF and I am confident and excited to see there is something for everyone,” saad pa ni Mayor Lino. “I encourage all Taguigenos and all my fellow Filipinos to go out this Christmas and New Year season to watch a movie, spend time with your families, friends and loved ones and watch as many if not all of our 2019 MMFF entries.”

mmff3

Ang suporta ng Taguig sa MMFF ay mas maigting sa pagbubukas ng MMFF Gallery kung saan ipinapakita ang cinematic snippets ng walo g kalahok na pelikula na nagpapaligsahan sa Best Picture. Binuksan ito sa publiko noong December 23, Monday, sa cinema area ng Central Square matatagpuan sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Ang MMFF exhibit ay bukas sa publiko hanggang December 30, 2019. Ito ay paraan para i-promote ang MMFF at ipakita ang suporta ng Taguig City sa festival.

Ang MMFF ay ilan lamang sa ipinapakitang suporta ng Taguig sa pagpapalawig ng culture and the arts sa bansa.

Sa kanyang speech sa Parade of Stars, ibinahagi rin ni Mayor Lino ang kwento tungkol sa Mercado del Lago kung saan ang mga local artist ay nagpe-perform tuwing Fridays at Saturdays. Hinimok din niya ang mga theater group na magsagawa at i-share ang kanilang talento sa amphitheater ng Taguig. Ang arts center at exhibit hall ay nakatakda ring magbukas sa Taguig Lakeshore Park complex.

Ang mga pelikulang Pilipino ay ipalalabas din sa mas maraming government facilities. Sa five-storey Center for The Elderly, meron itong “mini lazy boy theater.” Sa pagtatapos naman ng taong 2020, sabi ni Mayor Lino, ang syudad ay nakatakda ring mag-inaugurated ng anim na multilevel community centers na pawang may minitheaters.

“Sa 2020, magbubukas ang Taguig ng Taguig Film Development Office,” dagdag pa ng alkalde. “Through this, we can assist producers in filming our beautiful city and created additional livelihood for Taguigeños.”

“Muli, kami ay desidido para sa mas malalim at matagalang partnership o samahan with MMFF, MMDA. Thank you. We wish everyone the best of luck,” wika ni Mayor Lino.