NAGA CITY – Bumuhos ang libu-libong estudyante at mga bisita sa Lungsod ng Naga kasabay ng 11th Bicol Region’s Military Parade.

Ito ay isa sa mga malalaking aktibidad ng Penafrancia Festival na inaabangan ng mga bisita.

Katunayan mahigit 700 paaralan mula sa iba’t-ibang lugar sa rehiyon ang nakilahok sa aktibidad.

Gayunman, ilang mga mag-aaral ang naitalang hinimatay sa gitna ng naturang kompetisyon.

Pasado alas-7:00 kaninang umaga nang simulan ang parada na inaaasahang tumagal ng humigit-kumulang sa 12 oras.

Samantala, inaasahang muling bubuhos ang mga deboto sa Fluvial Procession ni Nuestra Senora de Penafrancia at El Divino Rostro bukas, Setyembre 21.