-- Advertisements --

Pinasok ng mga magnanakaw ang bahay ng mag-asawang sina David at Victoria Beckham.

Ayon sa mga kapulisan sa London, hindi namalayan ng mag-asawa kasama ang 10-anyos na anak nila na pinasok na pala ang kanilang bahay sa Kensington noon pang Marso 1.

Nakuha ng mga magnanakaw ang ilang mga personal na kagamitan at mga gadgets ng mag-asawa.

Nadiskubre lamang ang pagnanakaw ng umuwi ang 17-anyos na anak nilang lalaki na si Cruz.

Nakita nito na binasag na ng mga hindi pa kilalang suspek ang bintana ng kanilang bahay.

Patuloy pa rin ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.