Reading Time: 1 minute

Pansamantalang naantala ang biyahe ng Philippine National Railways (PNR) matapos mahagip at ang isang matandang lalaki sa bahagi ng Buendia, Makati City.

Batay sa inisyal na ulat, patawid ang biktima nang masagasaan ng tren.

Sa ngayon nakatirik pa rin ang tren ng PNR matapos din masagasaan ang ilang poste at signage sa lugar.

Agad namang isinugod sa pagamutan ang matandang biktima.