NAGA CITY – Pinaglalamayan na ngayon ang bangkay ng isang 67-anyos na lolo matapos na matagpuan na wala ng buhay sa Barangay San Felipe, Naga City.

Kinilala itong si Carmelito Guillermo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Police Major Van Layosa, hepe ng Naga City Police Office-Station 3, sinabi nitong isa sa mga kapitbahay umano ng biktima ang nakadiskobre sa bangkay nito matapos ang umano’y masangsang na amoy na nagmula sa bahay ng biktima.

Napag-alaman na mag-isa lamang sa bahay ang matanda na pinaniniwalaang inatake sa puso.

Huli umanong nakitang buhay ang biktima tatlong araw na ang nakakalipas.

Wala naman nakitang foul play ang otoridad sa pangyayari at tumanggi na rin umano ang pamilya na isailalim pa sa otopsiya ang bangkay nito.